Naging tugon ng PCG sa nagbanggaang barko ng China sa WPS, pinuri ng Palasyo

Ikinatuwa ng Palasyo ang pag-alok ng tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga tripulanteng sakay ng mga barko ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy, na nagbanggaan habang nagtatangkang harangin ang misyon ng PCG vessels sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, salamin ito ng posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magsisimula ng gulo ang Pilipinas at patuloy na idadaan sa mapayapang paraan ang pagresolba ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, ipinauubaya na ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aksyon sa naturang insidente.

Nirerespeto rin aniya ng gobyerno ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry, kahit pa kabaligtaran ito sa tunay na nangyari sa karagatan.

Facebook Comments