NAGISA | Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nasabon sa pagdinig ng Kamara ukol sa West Philippines Sea

Manila, Philippines – Nagisa si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagdinig special committee on West Philippine Sea sa Kamara.

Pinuna ni Magdalo Representative Gary Alejano si Cayetano sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa militarisasyong ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Giit naman ni Cayetano, may mga hakbang naman ang gobyerno laban sa aktibidad ng China alinsunod sa polisiya ni Pangulong Duterte na huwag itong daanin sa microphone diplomacy o sigawan laban sa China.


Maliban rito, sinita ni Alejano si Cayetano sa paulit-ulit na pagbabato ng sisi kay dating Pangulong Noynoy Aquino matapos mawalan na umano ng control ang bansa sa Bajo de Masinloc.

Pero paglilinaw ni Cayetano, tinutukoy lang niya ang nakaraang pahayag ni Aquino na nagkukumpara sa hakbang ng Beijing sa West Philippine Sea sa demand ng Nazi Germany para sa Czech territory noong 1930’s kung saan nag palala sa sigalot sa diplomatic relationship sa pagitan ng Philippines at China.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cayetano na wala silang sinisisi na kahit na sino at tanging inilalahad lang umano nila ang katotohanan.

Facebook Comments