NAGKAAYOS NA | Katy Perry at Taylor Swift, nagkabati na

Makalipas ang alitan at paggawa pa ng kanta tungkol sa isa’t isa, tuluyan nang nagkaayos ang dalawang sikat na singer na sina Katy Perry at Taylor Swift.

Sa instagram ni Taylor, makikita sa video story niya ang espesyal na regalo ni Katy na may note pa na “hey old friend” at may kasama pang totoong olive branch, na kilala bilang symbol of peace.

Sa caption din ni Taylor, sobra ang kanyang pasasalamat kay Katy kung saan sinabi pa nitong importante ang regalong iyon sa kaniya.


Dahil dito, maraming fans ang nag-celebrate sa pagkakabati ng kanilang dalawang iniidolong singer.

Facebook Comments