NAGKAAYOS NA | SBP at Basketball Australia, kapwa humingi ng dispensa sa nangyaring gulo sa FIBA

Manila, Philippines – Nagkasundo na ang Australia at Pilipinas na humingi ng paumanhin sa nangyaring kaguluhan sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa isang joint statement, humihingi ng dispensa sa basketball community sa buong mundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Basketball Australia (BA)sa nangyaring kaguluhan sa huling apat na minuto ng third quarter ng laro noong Lunes ng gabi.

Mismong sina Al panlilio ng SBP at Ned Coten ng Basketball Australia (BA) ang naglabas ng statement hinggil sa nangyari.


Kasabay nito ay tinatanggap naman daw nila ang responsibilidad at makikipagtulungan daw sa ongoing proceedings.

Nangako din ang dalawang partido na gagawin nila ang kanilang makakaya upang maiwasan na muling mangyari ang nasabing insidente.

Facebook Comments