Manila, Philippines – Nakipag-ayos na si Senador Antonio Trillanes kay Senadora Nancy Binay.
Sabi ni Binay, binati siya ni Trillanes noong huling ng araw ng sesyon nitong Marso bago ang Holy Week.
Aniya, halos isang oras na nakipag-usap sa kanya si Trillanes kung saan ipinaliwanag nito na ang pinaghugutan niya ng pagsusulong noon ng senate investigation sa kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.
Dahil aniya sa nangyari ay maiiwasan na nilang mailang sa isa’t-isa kapag nagkikita sa Senado.
Dagdag pa ni Senadora Binay, hindi na niya kailangang magpanggap na walang nakikita o tumingin sa malayo sa tuwing makakasalubong niya si Senador Trillanes.
Facebook Comments