Manila, Philippines – Nagkaisa sina dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Marikina Representative Miro Quimbo na parehong dudulog sa Korte Suprema sa oras na si Quezon Representative Danilo Suarez pa rin ang ilagay na minority leader ng Kamara.
Bagaman at kapwa naghahangad sila Fariñas at Quimbo na maupong minority leader, nilinaw ng dalawa na hindi sila nagsasanib pwersa kundi nagkasundo lamang silang igiit sa korte ang Rule 2 Section 8 ng Kamara.
Malinaw anila na nakasaad sa rules na magiging myembro na ng mayorya ang bumoto ng affirmative sa itinalagang House Speaker.
Giit ni Fariñas kung hindi mareresolba ang agawan sa pwesto sa Minorya at kung si Suarez pa rin ang minority leader ay aakyat na ito sa SC ngayong Linggo.
Muli namang iginiit ni Quimbo na bumoto pabor ang grupo ni Suarez kay Speaker GMA kaya nararapat lamang na mapunta ang mga ito sa house majority bloc.
Base sa huling tala, nasa 24 ang myembro sa grupo nila Quimbo habang 15 naman ang sa kampo ni Fariñas kasama dito si dating Speaker Pantalon Alvarez.