NAGKAISA | Iba’t-ibang celebrities, sumali rin sa ginanap na malawakang protesta sa Amerika para ipanawagan ang gun-control

Amerika – Sumali rin ang iba’t-ibang celebrities sa hollywood sa ginanap na malawakang protesta para ipanawagan sa mga mambabatas ang gun-control.

Ilan sa mga dumalo sa rally ay ang mag-asawang sina Kim Kardashian at Kanye West, ang mag-asawang Amal at George Clooney ganoon din ang dating miyembro ng beatles na si Paul Mccartney at ang actress na si Amy Schumer.

Nagpahayag din ng suporta si dating US President Barack Obama sa nasabing kilos-protesta.


Bukod sa maraming estado ng Amerika, sumali rin ang Brisbane, Australia; Copenhagen, Denmark; Madrid; Paris at Rome para itigil na ang sobrang karahasan na dulot ng paggamit ng baril.

Facebook Comments