Ibinida ni Nagkaisa Labor Coalition Chairman at senatorial candidate Atty. Sonny Matula na mapabilang sa Grand Alumni Homecoming ng Mindanao State University (MSU) na kadalasan ay magkita-kita ang mga nagsisipagtapos upang sariwain ang kanilang mga hindi malimot-limutang mga magagandang ala-ala ng kanilang mga kaklase.
Ayon kay Matula, ang reunion ng MSU ay kakaiba dahil ang party o pagsama-sama nila ay magiging makabuluhan dahil posibleng matutupad na ang kanilang pangarap na mayroong magtatapos ng naturang unibersidad na magiging senador sa katauhan ni Atty. Sonny Matula.
“MSU has waited long enough. We deserve a seat in the senate. We need a representative of the sector, yung nasa laylayan,” pahayag ni Matula.
Si senatorial aspirant Atty. Sonny Matula ay napabilang sa kampo ni Vice President Leni Robredo na dumalaw sa mga benepisyaryo ng kanyang proyekto sa mga biktima ng Marawi siege.
“Katulad ni VP Leni, una tayong nagsilbi sa mga nasa laylayan,” dadag pa ni Matula.
Sina Robredo at Matula, kasama sina Sen. Kiko Pangiliman at mga kaalyado ni VP Leni ay nagsagawa ng grand rally sa Area 6, Brgy. Sagonsongan.
“I’m a proud MSUan,” pagmamalaki pa ni Atty. Matula, na nagsalita sa harapan ng maraming tao at mga local leaders sa Marawi City at mga MSU students and alumni.
Plano ni Atty. Matula na gamitin ang kanyang political science education sa MSU upang mabago ang pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan.
“I want to eliminate wage discrimination and improve employee benefits,” dagdag pa ni Matula.
Hindi ikinahiya ni Matula, na habang siya ay nag-aaral sa MSU siya’y nakihalubilo sa mga magsasaka kaya’t ramdam nito ang kanilang pangangailangan sa buhay.
Ipinaliwanag ni Matula ang kanyang mga plataporma kung saan nagtataka siya bakit mababa ang sahod ng mga manggagawa sa Marawi City kumpara sa National Capital Region (NCR) gayong wala namang pinag-iba ang sikmura ng taga-Marawi sa sikmura ng taga-Maynila.
Kabilang sa kanyang mga agenda ang taasan ang sweldo ng mga manggagawa sakaling papalarin siya na manalo bilang senador.
Si Matula ay nag-aral ng abogasya sa MSU ng ilang mga taon bago nag tapos ng kanyang law degree sa Manuel Luis Quezon University.