Nagkaisa Labor Coalition, nanawagan kay PBBM na bawiin ang circular na naglilipat ng ₱89.9-B mula sa PhilHealth patungo sa National Treasury

Nanawagan ang Nagkaisa Labor Coalition para sa agarang pagpapawalang-bisa sa direktiba na ilipat ang ₱89.9 bilyon mula sa PhilHealth patungo sa National Treasury.

Giit ng grupo, walang legal na batayan para sa paglipat.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na sa kabila ng matinding kahirapan at mababang sahod na kinakaharap ng maraming manggagawa, pinili ng PhilHealth board na taasan ang premium at inaprubahang ilipat ang ₱89.9 billion sa National Treasury bilang bahagi ng sobrang pondo nito.


Ayon sa Nagkaisa, nakakalungkot na ang pinakamahirap at pinaka-bulnerableng manggagawa ang ginagatasan ngayon.

Babala ng grupo, sakaling hindi bawiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Finance Circular, mapipilitan silang dumulog sa Korte Suprema para humingi ng writ of certiorari para pigilan ang matinding pang-aabuso sa discretion ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments