NAGKAISA Labor Coalition, nanawagan sa DOLE na pag-aralan muli ang pag-recall sa mga health workers sa pagbabawal na magtrabaho sa ibang bansa

Umapila ang grupong NAGKAISA Labor Coalition kay Labor Secretary Silvestre Bello na dapat i-review, i-recall at ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng pagba-ban ng mga health workers na magtrabaho sa ibang bansa.

Una rito pinabawalan ng Labor Department ang mga doctors, nurses at iba pang health workers na umalis sa bansa upang magtrabaho roon at matustusan ang kanilang pamilya.

Ayon kay NAGKAISA Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, malinaw umano sa batas na maliban sa paglabag sa karapatang mag travel, ang naturang pagba ban ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay malaking problema at posibleng maging utos para ipatupad ang involuntary servitude na paglabag sa ating Saligang Batas.


Paliwanag ni Atty. Matula, ang UN’s Universal Declaration of Human Rights ay ipinoroklama sa Article 13, na ang bawat isa ay may karapatang umalis sa anumang bansa ka bilang ang kanyang sariling bansa at bumalik sa kanyang sariling Inang tinubuan.

Giit ni Atty. Matula, inilalagay natin ang ating mga health workers sa panganib kaya hindi dapat pagbawalan ang mga health workers na pumunta sa abroad para magtrabaho dahil hindi pa umano tiyak kung mabibigyan ng sapat na kumpensasyon ng DOLE o kaya ng Department of Health (DOH) ang mga health workers.

Dagdag pa ni Atty. Matula, ang dapat pagtuunan ng pansin ng DOH ay ang ₱500.00 na allowance isang araw ng mga volunteer health workers na sa tingin ng grupo hindi sapat sa kanilang kabuhayan.

Facebook Comments