Nagkaisa Labor Coalition, nanawagan sa Kamara na madaliin na ang pagpasa ng prangkisa ng ABS-CBN

Umapela ang grupong Nagkaisa Labor Coalition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na aksyunan na at ipasa na sa lalong madaling panahon ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, huwag ng iantala ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN upang matulungan at mailigtas ang mga libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho.

Paliwanag ni Atty. Matula, kung mabibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ay mapipigilan nito na mawalan ng trabaho ang nasa 11,000 manggagawa at matutulungan ang kanilang pamilya na hindi magutom dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.


Aniya, ngayong panahon ng national health crisis, ang publiko ay nangangailangan ng tama at mapagka-katiwalaang impormasyon kung papaano labanan ang COVID-19 at ang nationwide network na ABS-CBN ay malaki ang maitutulong na makapaghatid ng tamang impormasyon saan mang sulok ng bansa.

Facebook Comments