Nagkaisa Labor Coalition tutol sa hindi pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa

Ibinasura ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na palawigin pa ng anim na buwan na floating status ang employment at ang planong hindi pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, malinaw na ang panukala ng DOLE ay walang suporta sa batas.

Paliwanag ni Atty. Matula, sa ilalim aniya ng Article 301 ng Labor Code pinapayagan lamang para sa bona fide suspension of operation sa business ng hindi lalampas ng anim na buwan.


Giit ni Atty. Matula, walang kapangyarihan ang DOLE na mag-isyu ng Department Order o Advisory na labag sa Labor Code at tanging ang Kongreso lamang ang may karapatan na amyendahan ang batas at walang karapatan maging ang Ehekutibo na palitan ito.

Hinikayat ng Nagkaisa Labor Coalition si Pangulong Rodrigo Duterte na mamagitan na at tulungan ang mga manggagawa at huwag isakripisyo ang kanilang matatanggap na 13th month pay at iba pang mga benepisyo.

Facebook Comments