Ikinabahala ng Women Committee ng Nagkaisa Labor Coalition ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na nawawalan ng trabaho kaya’t nanawagan sila sa gobyerno na palakasin pa ang Public Employment Program upang matugunan ang problema .
Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairman Atty. Sonny Matula, itinutulak ng grupo ang Public Employment Program bilang isang estratehiya upang makarekober ang ating ekonomiya at matugunan ang problema ng tumataas na bilang ng mga kababaihang walang hanapbuhay.
Giit ni Matula, ang Unemployment Support and Wage Assistance Guarantee o USWAG ang proposal na mabigyan ng subsidiya sa sahod, para sa Micro and Small Enterprises, Public Employment para sa walang trabaho kabilang ang pagbabayad sa on-the-job trainings, at pagpapalawig sa public sector, ang sector na ang trabaho ay tututok lamang sa pagpapahusay sa public health system, developing renewable energy at pagtutok sa problema ng pagbabago sa ating kalikasan.