NAGKAISA | Mga OFW sa Isabela at Nueva Vizcaya nagpahayag ng suporta kay Labor Sec. Bello

Mahigit isang libong mga OFW mula sa Isabela at Nueva Vizcaya ang nagpahayag ng buong suporta sa lahat ng mga programa ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan ay nagtipun-tipon sila sa harapan ng tanggapan ng DOLE upang ipakita ang kanilang buong suporta sa kalihim.

Lumusob sa tanggapan ng DOLE ang mga OFW hindi upang tuligsain si Bello kundi ipakita ang kanilang buong suporta sa lahat ng mga programa ng kalihim sa Kagawaran.

Una rito lumagda ng manifesto ng pagsuporta ang mahigit 23 ibat-ibang recruitment agency ng OFW para ihayag ang kanilang mga suporta sa kalihim kung saan ay mariin nilang pinabulaanan ang mga akusasyon na mayroong korapsyon sa DOLE.


Paliwanag ng mga OFW iilan lamang mga recruitment agency ang tumututol kay Bello dahil nasasagasaan sila sa mahigpit na kampanya ng DOLE tungkol sa illegal recruiter at pagpapadala ng mga minor de edad sa ibat-ibang panig ng bansa.

Dagdag pa ng mga OFW nanggaling pa sila sa Isabela at Nueva Vizcaya nagsadya lamang na lumuwas sa Maynila upang ipakita sa publiko ang kanilang pakikiisa at suporta sa lahat ng mga programa ng kalihim sa kagawaran.

Facebook Comments