Manila, Philippines – Nagkaisa ang mga SK at Brgy. officials na lumagda ng isang kasunduan upang magkaroon ng malinis at mapayapang halalan sa darating na Barangay at SK Election.
Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo bago ang pormal na pirmahan ng Peace Covenant na sinaksihan mismo ng COMELEC Election Officer District 3 sa Brgy 306- 309 sa Plaza Miranda, nagkaroon muna ng Unity Walk na pinangunahan ni Police Chief Inspector Gutierrez, Plaza Miranda PCP at ni Mr. John Michael Morillo, Assistant COMELEC Election Officer District 3.
Paliwanag ni Margarejo layon ng Peace Covenant na nilagdaan kanina ng mga SK at Brgy. Officials ay upang magkaroon ng mapayapa at malinis na halalan sa kanilang Barangay.
Giit ng opisyal mananagot ang SK at Brgy. officials kapag magkaroon ng kaguluhan sa kanilang nasasakupan sa darating na SK at Brgy. election sa Mayo 14.