NAGKAKAINITAN | Trade tension ng China at Amerika, mas tumindi pa

Manila, Philippines – Mas tumindi pa ang trade tension sa pagitan ng China at Amerika.

Ito ay matapos na tila gumanti ang China sa pagpataw ng U.S. ng mas mahal na buwis sa mga inaangkat nitong aluminum at bakal.

Sa panig naman ng China, nasa 128 produkto ng Amerika ang pinatawan nila ng hanggang 25 percent na taripa.


Matatandaang nagbanta si US President Donald Trump na papatawan niya ng hanggang 50 bilyong pisong taripa ang mga Chinese product bilang parusa sa umano ay maling paggamit ng American intellectual property.

Facebook Comments