Nagkakaisa, matatag, maunlad at mapayapang ASEAN community, isinulong ni House Speaker Romualdez

Nanawagan si Speaker Martin Romualdez sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na magtulungan na gawing matatag, mapayapa, maunlad at may pagkakaisa ang kanilang komunidad.

Isinulong ito ni Romualdez sa kaniyang pagharap sa ASEAN Inter-parliamentary Assembly o AIPA, kasama ang ASEAN leaders, na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Binigyang diin din ni Romualdez ang kahalagahan na magkaroon ng pinakamalapit na ugnayan sa isa’t isa ang mga kasapi ng AIPA parliamentarians.


Tiniyak din ni Romualdez ang matibay na suporta ng Pilipinas sa mga inisyatibo at mga hakbang ng AIPA para maging epektibong sandigan ng ASEAN region community.

Si Romualdez ang nanguna sa deligasyon ng Pilipinas sa AIPA, kung saan kasama rin nya si Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, na siyang chairperson ng House Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy.

Kaugnay nito ay kinilala naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mahalagang papel ng AIPA sa pagpapa-igting ng kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo.

Sabi ni Pangulong Marcos, ito ay para mapagkasundo ang mga umiiral na batas at patakaran sa mga bansang kasapi ng ASEAN na tiyak na magbubunga ng epektibong pagpapatupad ng mga resolusyon at desisyon nito.

Facebook Comments