Nagkakaisang paninindigan ng mga senador laban sa tumitinding drug related killings, iginiit ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Nakakaalarma na para kay Senator Antonio Trillanes IV ang tumataas na kaso ng pagpatay bunga ng mga ikinakasang operasyon ng pulisya kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

Kaugnay nito ay hihilingin ni Trillanes sa Martes na magkaroon silang mga Senador ng caucus.

Ayon kay Trillanes, layunin ng caucus na magkaroon ng stand o paninindigan ang mga senador laban sa tumataas na bilang ng napapatay sa mga anti-drug police operations.


Diin ni Trillanes, sobra na at maling-mali na ang takbo ng mga pangyayari at hindi na kaya ng kanyang konsensya na palampasin ang mga ito.

Kasabay nito ay tinawag ni Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na halimaw na sabik o hayok sa pagpatay na nalulusutan niya dahil sa patuloy na pagsisinungaling at panlilinlang na tatapusin niya ang problema sa ilegal na droga ng bansa.

Kaugnay nito ay taimtim na ipinagdarasal ni Trillanes na magising sa katotohanan ang mga Pilipino at mapagtanto ang mga pagkakamali at panloloko ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments