Manila, Philippines – Walong araw bago ang kanilang laban kontra Iran sa Tehran, hindi pa matiyak kung makakapaglaro si Greg Slaughter sa Gilas Pilipinas.
Hinihintay pa kasi ang mga dokumento para matiyak kung maglalaro ang Barangay Ginebra big man bilang local o naturalized player ng Pilipinas.
Kailangan maipakita ang dokumento na nakakuha ng Philippine passport si Slaughter bago ito mag-disi-sais anyos para maging eligible bilang local player.
Bunsod ito ng pagbabago ng patakaran ng FIBA sa “eligibility rules” nito.
Hindi pa mabuo ni Coach Yeng Guiao ang 12-man final line-up ng koponan na sasabak kontra Iran dahil isa lamang ang puwedeng maging naturalized player ng kada koponan sa FIBA World Cup Qualifiers.
Sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle ang dalawa pa na pinagpipilian na maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.