CAUAYAN CITY- Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng Brgy. San Luis ay ang mga basurang nagkalat sa kanilang lugar.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Balong Pascua, maraming residente mula sa ibang barangay ang nagtatapon sa kanilang mga material recovery facility.
Aniya, saku-sakong basura ang itinatambak ng mga ito at madalas naglalaman ng mga diapers kung saan kinakalkal ito ng mga aso at ikinakalat sa kalsada.
Watch more balita here: 𝟰𝗣𝗦 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡
Nagpatupad na umano sila ng ordinansa hinggil sa pagpataw ng kaukulang multa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, sinisikap ng kanilang pamunuan na masolusyonan ang suliraning ito para sa mas maayos at malinis na Brgy. San Luis.