Davao City – Patay ang isang lalaki makaraang pugutan ng ulo ng kaniyang kainuman sa Davao City.
Natutulog lamang ng biktima na kinilalang si Ernesto Dalay nang pugutan ng suspek na una nitong nakaalitan sa inuman.
Mismong ang asawa ng biktima ang nakakita sa duguan at wala nang buhay na si Dalay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kainuman ng biktima ang suspek na si Renante Andig kasama ang isa pang lalaki bago mangyari ang krimen.
Nagkasagutan sina Dalay at Andig at nang makatulog si Dalay, doon na siya tinaga ng suspek.
Kaagad namang nahuli ang suspek at nakakulong na sa himpilan ng pulisya sa Davao City.
Facebook Comments