NAGKASAGUTAN | Isang inmate, patay matapos barilin ng kasama nitong preso sa Mandaue City Jail

Mandaue City – Patay ang isang inmate matapos barilin ng kasamahan nitong preso sa loob ng Mandaue City Jail.

Sa ulat dinala pa sa Mandaue City Hospital ang nabaril na si Steve Go na kilala bilang isang drug lord matapos na barilin sa ulo ni Crecensiano Erana, na may mga kasong Murder, Illegal Possession of Firearms at pagtutulak ng droga.

Nabatid na bago ang nangyaring pamamaril, nagkasagutan ang suspek at biktima sa hindi pa malamang dahilan.


Dahil sa insidente ng pamamaril, suspendido muna ang dalaw sa Mandaue City Jail kung saan inaalam na ngayon kung paanong naipasok sa loob ng kulungan ang baril na ginamit sa pagpatay kay Go.

Facebook Comments