Manila, Philippines – Naging mainit ang takbo ng oral arguments sa quo warranto case ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno nang sumalang si Sereno sa pagtatanong ni Associate Justice Teresita De Castro.
Nagkasagutan sina Sereno at De Castro nang hamunin ni Sereno si De Castro na sagutin din ang mga katabungan hinggil sa mga kulang niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth sakaling sampahan din siya ng quo warranto petition.
Maging ang abogado ni Sereno na si Atty. Alexander Poblador ay nasabon din ni Castro sa madalas na pagbigay nito ng instruction kay Sereno habang tinatanong ito ni De Castro.
Nagprisinta naman si Sereno ng mga dokumento na dedepensa kinukuwestiyon niyang SALN.
Nanindigan naman si Solicitor General Jose Calida na labag sa batas ang patuloy na pananatili ni Sereno sa pwesto at hindi deserve ng sambayanan ang kahalintulad na Punong Mahistrado.
Ang panig ng respondent at ang petitioner ay kapwa pinagbigyan ng Korte Suprema sa hirit nitong gawing tatlumpung minuto ang kanilang paglalahad ng kanilang argumento.