Nagkasayahan, Nag-inuman, Nag-dive sa Dagat, Nalunod..

106

Isang 70 anyos na lalaki ang sinawimpalad na nalunod kahapon sa dalampasigan ng bayan ng Ragay, Camarines Sur.
Ayon sa report, nag-iinuman sa tabing-dagat ang grupo nina Salvador Burce ng Barangay Buena Suerte, Ragay, Camarines Sur.
Nagpasya umanong magtampisaw sa dagat ang biktima para mag-relax-relax subalit hindi na umano ito nakita pa.
Kaagad namang inireport sa Ragay PNP ang nasabing pangyayari.
Nakuha ang katawan ng biktima at agad namang dinala sa pagamutan subalit dineklarang dead on arrival.
Paalala ng pulisya na mag-ingat kung magdaraos ng kasayahan sa tabing-dagat laung-lalo na kung may inuman. Lubhang napakadelikado sa isang taong nakainom ng alak kung maliligo sa dagat ng walang kasama.
w/ report from RadyoMaN Manny Basa
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments