Manila, Philippines – Nakatakdang lumagda sa isang Asia-Pacific Trade Agreement ang 11 bansa bilang pangontra sa pagiging protectionist ng Estados Unidos.
Magaganap ang pirmahan matapos himukin ng Europe at ng international monetary fund si US President Donald Trump na lubayan na ang posibleng pagsiklar ng trade war na nakatuon sa steel at aluminum imports.
Sa ilalim ng Comprehensive and Progressive Agreement For Trans-Pacific Partnership (CPTPP), babawasan ang mga taripa sa mga bansang bubuo sa 13% ng global economy na may katumbas na 10 trillion dollars.
Ang TPP ay binubuo na lamang ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam.
Facebook Comments