NAGKASUNDO | Bahagyang pagmura ng presyo ng commercial rice sa merkado, pinagkasunduan ng mga rice trader at retailers

Manila, Philippines – Nagkasundo ang grupo ng mga trader at retailer ng bigas na bahagyang ibaba ang presyo ng commercial rice sa merkado.

Ito ay bunsod ng pagmahal ng presyo ng bigas matapos maubos ang supply ng bigas ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Jaime Magbanua, National President ng Grain Retailers Confederation of the Philippines (GreCon), ibababa nila ang presyo ng regular-milled rice sa P39 kada kilo.


Pinabulaanan naman ng GreCon ang pahayag ni Cabinet Secetary Leoncio Evasco Jr. na may plano silang magtago o mag-imbak ng bigas.

Giit ni GreCon, mas pinipili nilang ibenta agad ang bigas para umikot din ang kanilang puhunan.

Facebook Comments