NAGKASUNDO | Bersyon ng Kamara sa proposed BBL, in-adopt ng 2 kapulungan ng Kongreso

Manila, Philippines – Nagkasundo ang dalawang kapulungan na i-adopt ang bersyon ng Kamara sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ay matapos mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagkakasundo ng bicameral conference committee sa final version ng panukalang batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan ang anim na munisipalidad sa Lanao del Norte at tatlumpu’t siyam na barangay sa North Cotabato na bumoto para makasali sa BBL territory sa pamamagitan ng referendum na isasagawa ng mother territory areas.


Giit pa ni Roque, lalagdaan ng Pangulo ang BBL bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Facebook Comments