Manila, Philippines – Nagkasundo ang PNP at ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN at iba pang grupo na magiging tahimik ,maayos at mapayapa ang kilos protesta na kanilang gagawin sa Hulyo 23,kasabay ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ginanap na dialogue ng QCPD sa mga Community Leaders at stakeholders sa QC,Tiniyak ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes na hindi na nila igigiit na makalapit sa batasan complex
Sa halip mananatili na lamang sa isang lugar sa Commonwealth ave ang multi sectoral groups para magsagawa ng programa.
Sinabi ni Reyes , kung dati rati ay hiwa-hiwalay ang iba’t ibang grupo na nagsasagawa ng programa sa Commonwealth ave , ngayon aniya ay magsasama na sila at napili nila na maglagay ng Fix stage sa unahang bahagi ng St Peter Church.
Hiniling ni Reyes kay NCRPO Director Chief Supt Guillermo Eleazar na huwag nang maglagay ng mga harang na container vans, barbed wire.
Sa halip, napagkasunduang plastic barriers na lamang ang ilalagay.
Magsisimula ang unity march ng militant groups bandang alas dos ng hapon mula sa UP diliman at agad simulan ang programa sa commonwealth ng alas tres ng hapon at kusa silang mag disperse ng bandang alas 6 ng gabi.
Sa ginanap na pulong ng pulisya at mga stakeholders, ilan sa mga dumalo ay mga kinatawan ng Militanteng grupo, Qc local govt, MMDA, CHR, religious sector, INC, Muslim Sectors Media Partners at iba pa.
Nanguna naman sa panig ng pulisya, sina NCRPO Director C/Supt Guillermo Eleazar at QCPD Dir Joselito ESquivel Jr.