Nagkasundo na ang mga bansa sa timog-silangang asya na magbahagi ng intelligence information sa isa’t isa kasabay ng mga panganib sa Rehiyon.
Ayon kay Singaporean Defense Minister ng Eng Hen – malakas ang banta ng terorismo kahit isang taon na ang nakalilipas mula nang salakayin ng ISIS-Maute group ang Marawi City.
Sa nangyaring pulong ng mga Defense Ministers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pinagtibay ng mga member state ang isang information-sharing platform na tinawag na “our eyes.”
Ang plataporma ay iminungkahi ng indonesia batay sa isang intelligence-sharing alliance ng estados unidos, britain at tatlong iba pang mga bansa matapos ang world war 2 para matiyagan ang dating soviet union.
Facebook Comments