Manila, Philippines – Posibleng mangyari ang joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nagkasundo ang dalawang bansa na huwag magtakda ng deadline hinggil sa draft exploration agreement.
Pero umaasa si Cayetano na makakabuo ang Pilipinas at China ng kasunduan ukol sa joint exploration.
Dinepensahan din ng kalihim ang hatian ng dalawang bansa.
Aniya, ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa China ukol sa hatian ay isang paraan ng pagpapatupad ng desisyon.
Pinawi rin ni Cayetano ang pangambang mababaon sa utang ang Pilipinas dahil sa mga pautang ng China para sa infrastructure projects.
Facebook Comments