NAGKASUNDO | Kamara at Senado, planong magsagawa ng joint investigation

Manila, Philippines – Nagkasundo ang Kamara at Senado na magsagawa ng joint investigation sa construction firm na C.T. Leoncio Construction and Trading Company na nakatanggap ng mahigit 30 infrastructure projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na may nakausap na siyang senador na nagpahayag ng interes patungkol sa isasagawa nilang imbestigasyon.

Maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nais din aniyang masilip ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso para malaman kung gaano kayaman ang may-ari ng C.T. Leoncio.


Giit ni Andaya, kahinahinala na maraming proyekto na natanggap ang C.T. Leoncio sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahit pa sole proprietorship lamang ito.

Naunang ibinulgar ni Andaya na maraming mga distrito ang hawak ng C.T Leoncio noong 2018 na binigyan ng bilyong mga proyekto gayong maliit at solong pagmamay-ari lamang ito at hindi malaking korporasyon.

Facebook Comments