NAGKATINGINAN LANG | NCRPO Police, arestado matapos hatawin ng bote ang isang construction worker

Quezon City – Huli ang isang opisyal ng NCRPO matapos umanong hatawin ng bote ng alak ang isang construction worker sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si P/Sr Insp. Don Villanueva Ante na nakatalaga sa regional personnel holding and accounting unit.

Sa report, nangyari ang insidente sa isang bar sa tabi ng Ever Gotesco Mall bandang 1:50 ng madaling araw.


Sinasabing nakaupo lamang ang biktimang si Paul Nayugan sa lobby ng Royal Place nang lapitan ito ng suspek.

Nagkatinginan umano ng masama ang pulis at biktima na naging dahilan para mag-away ang dalawa.

Dito na hinataw ng pulis ang biktima ng bote sa ulo at pinagtulungan pa ng dalawa nitong kasamahang pulis.

Depensa naman ng pulis, umawat lamang siya sa gulo at itinanggi din nitong nanakit siya.

Facebook Comments