NAGKUKUMPULANG MGA WATER LILY NA MAY HALONG MGA BASURA AT SANGA NG PUNO SA ILOG SA DAGUPAN CITY, INANOD SA PANGPANG NG ILANG ISLAND BARANGAY MATAPOS ANG MATAAS NA PAGBAHA

Kumpol kumpol na mga water lily na may halong basura at ilang mga sanga ng puno ng saging ang inanod sa pangpang ng ilang mga Island Barangays sa Dagupan City matapos ang mataas na pagbaha dulot ng high tide at patuloy na pag-uulan.
Isa sa karaniwan nang problema ng mga residente partikular na sa bahagi ng Brgy. Pantal, Salapingao, at Calmay ang inaanod na mga kumpol ng waterlilies na may kasama pang mga basura tuwing tataas ang antas ng tubig sa kailugan.
Madalas daw itong maranasan tuwing may kalamidad gaya na lamang ngayon, mas doble ang perwisyo ng mga inaanod na mga water lilies dahil humaharang ito sa mga motorboat na ginagamit pang-transportasyon ng mga nasa island barangays upang makapunta sa city proper.

Maaari rin kasi itong pagmulan ng aksidente kung saan hindi na makita ng mga pasahero ang daanan para makasakay sa motorboat dahil natabunan na ng kumpol ng water lily at basura at hirap din mapaandar ang minamanehong bangka. |ifmnews
Facebook Comments