Manila, Philippines – Para sa mga Senador may pagkukulang at maraming pang dapat gawin ang Philippine National Police para matuldukan ang serye ng karahasan lalo na ang mga kaso ng pagpatay sa bansa.
Pahayag ito ng mga senador makaraan ang magkasunod na pagpatay kina General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.
Ayon kay Senator Koko Pimentel, dapat paigtingin pa ang police visibility, resolbahin ang mga krimen, ibaba ang bilang ng mga baril na taglay ng mga sibilyan at habulin ang mga hindi lisensyadong armas.
giit ni senator nancy binay sa PNP huwag tratuhin ang nabanggit na insidente ito bilang isolated cases ng murder o personal vendetta dahil malinaw na may mali sa sistema ng mga otoridad na hadlangan at sugpuin ang krimen.
Ikinakabala naman ni Senator Joel Villanueva, ang lakas ng loob ng mga kriminal kaya dapat tiyakin ng mga otoridad na mapaparusahan ang mga ito.
Giit naman ni Senator Kiko Pangilinan, ang magkasunod na pagpatay sa dalawang Alkalde ay nagpapahiwatig na bumagsak na ang kaayusan at pag-iral ng batas sa ating bansa.
Sabi ni Pangilinan, ang sitwasyon ngayon sa ating lipunan ay kabaligtaran ng anti-crime platform ng administrasyong Duterte.
Si Senator Panfilo Ping Lacson, muling iginiit ang mahigit na gun control measures kasabay ang apela sa publiko na agad ireport sa mga otoridad ang sinumang makikita nilang sibilyan na may dalang baril.