Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) na nagmamadaling magpaparehistro ang publiko kapag huling araw na ng registration.
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, nakatanggap ang COMELEC ng kabuuang 496,816 na aplikasyon para sa tatlong linggong registration mula November 6 hanggang 25 taong kasalukuyan sa nagpapatuloy na registration ng mga botante sa buong bansa.
Paliwanag ni Jimenez na base weekly monitoring data sa voters registration na nakalap ng Election and Barangay Affairs Department o EBAD, lumalabas na umaabot sa 126,444 kabuuang aplikasyon na natanggap ng COMELEC nitong linggo mula November 6 hanggang 11 kung saan 152,380 para sa November 13 hanggang 18 at 217,992 para naman sa November 20 hanggang 25 taong ito.
Ang National Capital Region (NCR) aniya ang maraming bilang na kanilang pinoproseso na aplikante na umaabot sa 81,047 ang kabuuang bilang ng aplikante mula sa Sangguniang Kabataan na may edad na 15 hanggang 17 anyos at regular na registrants na 18 anyos at pataas.
Dagdag pa ni Jimenez, umaabot naman sa 269,030 mga aplikanteng babaeng nagpaparehistro habang 227,786 mga kalalakihang nagpaparehistro sa buong bansa.
Giit ni Jimenez, nagpapatuloy pa rin ang registration simula November 6 at magtatapos sa Huwebes, November 30 taong ito na pinoproseso sa Office of Election Officer events mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.