Nagkunwari pang concerned: Bading, ginilitan ang 15-anyos babae dahil sa selos

Facebook

Nahuli na ng awtoridad ang suspek sa pagkamatay ng isang dalagita na ilang araw nawala bago natagpuan ang bangkay sa sementeryo sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Dinakip ng pulisya ang LGBT member na si Racman Panondi, 22, na aminadong ginilitan at pinagsasaksak ang “best friend” niyang 15-anyos nang dahil sa selos.

Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang selos nang malaman ni Panondi na nagkagusto at dumidiskarte ang kanyang boyfriend sa biktima.


Matatandaang natagpuan sa sementeryo ang bangkay ng dalagita na nakitaan ng hiwa sa leeg at saksak sa tiyan.

Ngunit bago ito, napag-alaman na nakuha pa ni Panondi na mag-post sa Facebook na kunwaring nag-aalala at tumutulong sa paghahanap ng kanyang best friend noong Hunyo 7.

Nang mahanap na ang bangkay, sinundan niya pa ito ng mahabang mensahe ng pamamaalam sa “kaibigan”.

Nasa himpilan na ng pulisya si Panondi na nahaharap sa kasong murder.

Facebook Comments