Sulu – Labing isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa militar sa Talipao, Sulu.
Sa ulat ng Western Mindanao Command, sumuko ang mga Abu Sayyaf member sa 2nd Special Forces Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Jessie Montoya.
Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas kabilang ang isang US M16 rifle, anim na US M1 garand rifles, isang M79 GL, isang UZI at dalawang .45 caliber pistols.
Nabatid na dinala ang mga sumuko sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa physical at medical examinations.
Facebook Comments