NAGKUSA | Suspek sa pagpatay sa isang fresh grad sa Cavite, sumuko na

Bacoor City – Sumuko na sa pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang dalagang kaga-graduate lang sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Cavite Police Chief Senior Superintendent William Segun, kaninang madaling araw sumuko ang suspek na si Andrew Bagawasan, 23-anyos.

Sa ulat, araw ng Martes, nanakawan lang sana ng suspek ang tinutuluyang bahay ng 20-anyos na biktimang si Shanmaine Pestaño.


Posible umanong nagising ang dalaga habang nagnanakaw si bagawasan dahilan para saksakin nito ng 22 beses ang biktima.

Facebook Comments