Manila, Philippines – Naglaan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 3,000 scholarship slots sa grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) para sa libreng pagsasanay.
Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, layunin nitong matulungan ang mga miyembro ng MILF at MNLF na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga libreng kasanayan at assessment upang mabigyan sila ng trabaho, pangkabuhayan at gawin silang aktibong lumahok sa iba’t-ibang development programs ng gobyerno.
1,000 MILF at MNLF mula sa Lanao del Sur; 1,000 sa Maguindanao at 1,000 para sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at Zamboanga ang target ng nasabing pagsasanay.
Ang mga matatanggap na scholars ay sasanayin sa iba’t-ibang sektor ng agriculture, automotive, construction, tourism, metals and engineering, heating, ventilations, air-conditioning and refrigeration, semi-conductor, electronics, furnitures and fixtures, garment and textile, health, social at iba pang community development services.
Ang mga ito ay sasanayin sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) na hindi lalagpas sa loob ng 40 araw.