Manila, Philippines – Bilang pagtalima sa mandato ng Department of Finance, na ibalik sa Bureau of Customs ang kapangyarihan na i-accredit ang mga importers at brokers, naglabas ngayon ng bagong mga requirements ang Customs para sa akreditasyon ng mga ito.
Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) Number 5- 2018, hindi na kailangan ang submisyon ng BIR importer clearance at broker clearance certificate.
Bagkus, para sa mga importers, kailangan nilang magsumite ng Account Management Office (AMO) application form; 2 valid IDs, NBI clearance, latest information sheet, personal profile ng aplikante, company profile, address of warehouse, proof of lawful occupancy, mayor’s permit, latest income tax return, BIR registration, at 1 libong pisong processing fee.
Habang ang mga lisensyadong brokers naman ay kailangang magsumite ng, NBI clearance; certificate of good standing mula sa PRC-accredited national organization for customs brokers, AMO application form, valid PRC card, listahan ng mga kliyente at address ng mga ito, listahan ng mga representatives na personal na detalye ng mga ito, printed CPRS notification; BIR registration; latest income tax return, at 1 libong processing fee.
Ang Customs Memorandum Order 5- 2018 ay epektibo simula sa Mayo 17, 2018