Naglabasang balita tungkol sa 59 katao na namatay sa mga evacuation centers sa Marawi, pinabulaanan ni Health Secretary Ubial

Marawi City – Itinanggi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang report na limampu’t siyam (59) na ang namatay sa mga evacuation centers sa Marawi City.

Ayon kay Secretary Ubial – mali o peke ang naglabasang balita na may mga bakwit ng nagkakasakit at may mga namatay na sa evacuation centers.

Paglilinaw ng kalihim – dalawampu’t apat (24) palang ang kabuuang bilang ng mga namatay at hindi ito galing sa mga evacuation centers kundi sa mga hospital.


Imbes kasi na apat (4) – apatnapu (40) ang intindi ng mga mamamahayag at idagdag pa dito ng labing siyam (19) na unang napaulat na mga namatay dahil sa ibat-ibang sakit.

Sabi pa ni Ubial – karamihan sa 24 na namatay ay dahil sa dati na nilang karamdaman (cancer, sakit sa bato) at walang kinalaman sa nagpapatuloy na sitwasyon sa Marawi City.

Facebook Comments