Singapore – Nilibot ni North Korean Leader Kim Jong-un ang ilang sikat na tourist spot sa Singapore.
Ito ay bago ang makasaysayang pagpupulong nila ni U.S President Donald Trump ngayong araw.
Unang pinasyalan ni Kim ang Waterfront Park at sinunod nitong puntahan ang Gardens By The Bay.
Huling tinungo ng pinuno ng NoKor ay ang Marina Bay Sands Hotel.
Kasama ni Kim sa pamamasyal ay si Singapore’s Minister for Foreign Affairs Vivian Balakrishnan at Singapore’s Minister for Education Ong Ye Kung.
Facebook Comments