Manila, Philippines – Muling nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Task Force Cleanup na katuwang ang mga tauhan ng Engineering Office at Manila Police District para linisin ang mga nakahambalang sa daraanan ng motorista sa lungsod ng Manila.
Ayon kay Department Public Safety at Task Force Clean Up Chief Che Borromeo inumpisahan nilang linisin ang kahabaan ng Recto ,Divisoria,Abad Santos at Soñer Streer pagkatapos ay hinahatak ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa lugar.
Kinukumpiska rin nila ang mga kariton ng mga vendor na inuukupahan na pati ang mga bangketa pati mga kuliglig,pedicab at tricycle ay hinahatak din nila dahil sa nakasagabal sa mga dumadaang motorista sa naturang mga lugar.
Dagdag pa ni Borromeo na isinabay din ang paglilinis sa mga kanal at estero upang alisin ang mga nakbarang basura na lagusan ng tubig kayat kaunti lamang ang buhos ng ulan ay agad na binabaha ang naturang lugar.