Naglipanang birth certificates at pang-aabuso sa late birth registration system, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang posibilidad na may sindikato na nasa likod ng naglipanang paggamit ng pekeng birth certificates at pang-aabuso sa late birth registration system ng ilang mga dayuhan na pumapasok sa bansa.

Kasunod na rin ito ng mga natuklasang discrepancies sa birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nasasangkot ngayon sa iligal na operasyon ng POGO sa Tarlac gayundin ang kawalan ng birth records ng sinasabing ina ng alkalde na si Amelia Leal at ang kwestyunable ring birth certificates ng mga kapatid ni Guo.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 1053 kung saan inaatasan ang angkop na komite na siyasatin “in aid of legislation” ang paglaganap ng paggamit ng fake birth certificates at pang-aabuso sa late birth registration system.


Ito aniya ang ginagamit ng foreign nationals para makakuha ng mga government-issued IDs para malusutan ang Immigration laws at makagawa ng krimen tulad ng money-laundering at human-trafficking.

Kasalukuyan na ring sinisiyasat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasa mahigit 300 pekeng birth certificates kung saan anim dito ay sa foreign nationals na inisyuhan ng Philippine passport.

Facebook Comments