Naglipanang peke at substandard na mga produkto na nabibili online, posibleng magdulot sa pagkawala ng trabaho ng daang libong mga Pilipno

ibinabala ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang posibilidad na mawalan ng trababo o hanapbuhay ang nasa 300,000 mga manggagawa sa bansa dahil sa talamak na bentahan sa online ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China

Inihayag ito ni Tulfo makaraang dumulog sa kanya ang nasa 15 mga negosyante na karamihan ay manufacturer at nagbebenta ng mga appliance.

Idinaing nila kay Tulfo na maaari silang malugi at mapilitang magsara dahil sa epekto sa kanila ng talamak na bentahan online ng mga sub-standard at pekeng produkto sa mas murang halaga dahil hindi dumadaan sa regulasyon ng pamahalaan.


Bunsod nito ay plano ni Tulfo na isulong na maimbestigahan ng Kamara ang “unfair online sales practices” ng mga offshore appliances na karamihan ay galing sa China na maluwag at direktang nakapapasok sa bansa.

Ang nabanggit na hakbang ay nakapaloob sa ihahain nyang resolusyon ngayong araw kasama sina ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, gayundin sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo.

Facebook Comments