NAGLUPASAY | Babaeng nagwala matapos i-clamp ang sasakyan sa San Juan City, kakasuhan ng mga tanod

San Juan City – Desidido ang mga tauhan ng Barangay Greenhills sa San Juan City na kasuhan ang babaeng nagwala, nanakit, nagmura at nandura sa ilang tanod nang i-clamp ang sasakyan nito.

Ayon kay Benjamin Savilla, ex-o ng barangay, itutuloy pa rin ng kaniyang mga tauhan ang pagsasampa ng reklamo laban sa babae dahil sa ginawang pananakit nito.

Paliwanag ni Alnor Imperial, tanod ng barangay, nilagyan nila ng clamp ang gulong ng sasakyan ng babae matapos harangan ang driveway ng basement parking ng isang gusali.


Sa viral video sa social media, makikita ang walang tigil na pagbusina ng babae na nagpakilalang may kapatid na sundalo.

Hindi nagtagal, lumabas na ito ng sasakyan at sinugod ang mga tauhan ng barangay na kaniyang pinagsisigawan, tinulak, dinuraan at sinipa.

Pumagitna rin siya kalsada, umupo, at humarang sa ilang sasakyan at umiyak.

Nakaalis lang ang babae nang dumating ang sundalong kapatid nito na nakiusap sa mga pulis at tauhan ng barangay.

Facebook Comments