NAGMAMALAKI? | Kongresista, pumalag sa panghahamak umano ng Kuwait sa Pilipinas

Manila, Philippines – Ikinagalit ni ACTS-OFW PL Rep. John Bertiz ang katwiran ng Kuwait sa naging paninisi at pahayag ni Pangulong Duterte na ipahinto na ang pagpapadala ng OFWs sa naturang bansa.

Ito ay kasunod ng pagkakatuklas sa bangkay ng isang Pinay OFW na nakalagay sa freezer sa isang apartment sa Kuwait.

Nais ng Kuwaiti Federation of Home Office Employers na itigil ang renewal at ipa-deport na ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa dahil sa katwiran na ang mag-asawang pumatay sa OFW na nakasilid sa freezer ay isang Lebanese at Syrian.


Giit ni Bertiz, ang Kuwait na ang maraming ginawang pang-aabuso sa mga OFWs ay sila pa ang matapang sa pagbabanta.

Hinimok ni Bertiz ang DOLE at DFA na sagutin ang panghahamak na sinabi at ginawa ng Kuwaiti sa mga Pilipino.

Dadag pa nito na mas mabuti pang putulin na rin ang diplomatic ties ng Pilipinas sa Kuwait kung sila pa ang mas mukhang dehado sa kabila ng mga namatay at mga inabusong OFWs.

Facebook Comments