Nagnakaw na Laborer, Arestado sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela- *Arestado ang disi otso anyos na lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Ang nahuli ay si Paulo Dalep, binata at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Ramon si Dalep dahil sa kaso nitong Pagnanakaw.


Ito ay sa bisa ng madamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City at may inilaang piyansa para sa pansamamntalang kalayaan ni Dalep na nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang libong piso (P72,000).

Una nang dinala sa ospital ang akusado para sa kanyang medical exsamination bago dinala sa court of origin nito.

Facebook Comments