NAGNAKAW NG CORNED BEEF | Nahuling clerk, laya na

Manila, Philippines- Pinakawalan na ang isang clerk na nagpuslit ng isang latang corned beef sa isang supermarket sa Sta. Ana Manila.

Nang dahil lang sa isang latang corned beef, halos isang linggo rin nakakulong sa Sta. Ana Police Station si Paul Matthew Tanglao, isang clerk na aminadong gutom noong araw na ipuslit nito ang isang latang corned beef kaya nagawang magnakaw.

Matatandaan na sa pamamagitan ng Facebook post, nanawagan si Caloocan Bishop Pablo David na palayain na si Tanglao kung saan handa umanong bayaran ng naturang obispo ng isang daang beses ang halaga ng ninanakaw ng naturang clerk.


Nabatid na nakapaglagak na ng piyansa ang nanay ni Tanglao noong Lunes kaya ini-release na ito ng mga Jailer ng Station 6 ng Manila Police District.

Facebook Comments