Nagnakaw ng Pakwan, Binaril-Patay!

4973

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos itong barilin dahil sa di umano’y pagnanakaw ng pakwan sa Brgy. Minanga, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Pedro Rosales, 47 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Balug, Tumauini habang ang suspek ay nakilalang si Arnold Taccad na residente rin ng Brgy. Minanga.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, hindi aniya sana nangyari ang insidente kung tumangkilik ang mga ito sa Enhanced Community Quarantine.

Una rito, nagtungo ang biktima sa bukid kasama ang 5 pa upang manguha umano ng makakain at mamaril ng ibon.

Kaugnay nito, nakatanggap umano ng impormasyon ang suspek na ninanakaw ang pananim nitong pakwan kaya’t binantayan na nito ng madaling araw.

Nagkataon aniya na nakita ng suspek ang biktima at mga kasamahan nito na galing ang mga ito sa kanyang taniman kaya’t agad niya itong pinagbabaril.

Ayon pa kay PMaj Gatan, tatlong putok ng baril ang pinakawalan ng suspek at napuruhan ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.




Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang (1) piraso ng pakwan.

Tumakas pa ang suspek subalit nadakip rin ito dahil sa tulong ng mga importante.

Inihahanda ngayon ng pulisya ang kasong Murder at Frustrated murder na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments